Tuesday, November 10, 2015

ORASYON Part 9: MGA IBA’T-IBANG MGA KAALAMAN

ika-walong aklat:
MGA IBA’T-IBANG MGA KAALAMAN
Bertud: - tubig na lagkitan
 
 
Galing: - kahit na anong sugat sa iyong katawan oras na basain mo ay
dagliang maghihilom at gagaling
Pagkuha: - Biyernes Santo maghanap ng bukal na walang tao o
kakaunting tao pa lamang ang nakakakita magdala ng kawayan o stick
na may habang 2 ft tulad ng stick ng barbecue pero mahaba at eksakto
12 ng gabi habang nag iisa ay hahampasin mo ang bukal ng dahan dahan
pagakaraang ng sampung minuto mapapansin mo na unti unting
lumalagkit ang tubig na wari bay nagiging malagkit habang lumalapot
mapapansin mo na dumarami ang iyong katabing enkanto at mga maligno
oras na inangat mo ang stick at nakita mo na sumama na ang tubig
dahil sa lapot kunin mo agad ito sapagkat aagawin ng mga elementong
nasa iyong tabi pag ikaw ay nagtagumpay maari mo itong ibaon sa
iyong katawan.(100% ay magtatagumpay ka pag iyong intensyon at
pamnanampalataya ay walang bahid at malinis.
 
 
 
KAPANGYARIHAN NG TAGULIWAS
 
Ito ang kapangyarihang pampaiwas ng masamang kaisipan, masamang banta,
 ng masamang pangyayari, mga disgrasya, sakuna, at mga kapanganiban.
 
Ang taong nais magkamit ng kapangyarihang ito ay marapat na magsisi ng mga kasalanan,
 gumawa ng kabutihan sa kapwa, at pag-ingatan ang pamamaraang ito. 
Huwag ipapakopya o ituturo sa iba ang pamamaraang ito 
sapagkat mawawala ang bisa ng iyong sariling taguliwas pag nagkagayon.
 
Pag malapit nang mamatay, maaaring ipasa ito sa nararapat na kadugo, 
o di kaya sa taong karapat-dapat.
 
 
PAMAMARAAN NG PAGKAKAROON NG KAPANGYARIHAN NG TAGULIWAS:
 
Sa pagsapit ng araw kung kalian magkaroon ng kabilugan ng buwan, 
ay magtungo sa sementeryo, kagubatan, o di kaya ay sa ilang na lugar. 
Manghuli ng isang maliit na paru-paro (maganda nga kung puti ang kulay) at isubo ito at lunukin.
 
Pag nagawa ito ay ito naman ang susunod na gagawin:
 
Dasalin ito pagkagising at bago matulog sa araw-araw.. 
Dasalin lamang sa isip na hindi nakabuka ang bibig..
 
O DIOS AMANG BANAL, AVI-AY-A-UE-I, IPAHINTULOT MO PO NA AKO AY MAIWAS 
SA LAHAT NG KASAMAAN AT KAPANGANIBAN.
 
O INANG BANAL E-IO-U. I-UA-E, ITULOT MO PONG MAGING MAAYOS
 ANG KALAKARAN NG AKING BUHAY.
 
O DIOS ANAK, I-O-U. A-UE-I, ITULOT MO PO AKO NA MALAGPASAN KO 
ANG LAHAT NG MGA PAGSUBOK KO SA BUHAY, AT MAGAWA KO PO NG MAAYOS ANG AKING MGA GAWAIN.
 
O BANAL NA ESPIRITU, O-UA. A-UE-I, KASIHAN MO PO AKO AT SAMAHAN,
 AT GABAYAN.
 
O BANAL NA DIYOS, UC-A- IJOC. AKO PO AY KASIHAN NG IYONG KAPANGYARIHAN
 UPANG MALIGTAS SA LAHAT NG PANGANIB AT MASAMANG TANGKA
 
 
Sa unang linggo na magawa ang bagay na ito, simula sa araw ng biyernes, 
ay dasalin ng paulit-ulit ang oraciong ito sa tuwi-tuwina. 
Gawin ito hanggang makaabot sa susunod na biyernes:
 
SEPIENTE SALVO BACAOS AH
MINA MINI MINI AH PHU
 
Sa Ikalawang linggo na magawa ang bagay na ito, simula sa araw ng biyernes, 
ay dasalin ng paulit-ulit ang oraciong ito sa tuwi-tuwina.
 Gawin ito hanggang makaabot sa susunod na biyernes:
 
LAUDEM HOISAM SUPECLAM MICOLAM
SODICTAM NICTAM DIMICUM TUDRAM CIPIAR AH
 
Sa ikatlong linggo na magawa ang bagay na ito, simula sa araw ng biyernes, 
ay dasalin ng paulit-ulit ang oraciong ito sa tuwi-tuwina. 
Gawin ito hanggang makaabot sa susunod na biyernes:
 
BENEDICTAM BENEDICTAM BENETIMULATAM EVANGELIUM
 IPSISUIS NORITIS SUM PANIBUSIT PEFETTE AH PHU
 
 
 
PAMAMARAAN NG PAGGAMIT:
 
Pag nasa kagipitan, o gagamitin ang kapangyarihan sa taguliwas, 
usalin lamang sa isip ang alinman sa 3 oraciong nabanggit at makakaiwas ka sa kapanganiban.
 
Upang hindi matuloy ang masamang banta, ay magdasal ng 1 Sumasampalataya 
hanggang sa Ipinako sa Krus, isunod ang kahilingan,
 at usalin ng tig 3x ang mga oraciong natutunan.
 
Maaari ring isulat sa papel ang mga oraciong ito at ikuwintas, 
ngunit mqagkakabisa lamang ito kung nagawa mo na ang kaukulang pamamaraan
 upang mapabisa ang mga oracion.
 
Kung ihihihip ang mga oraciong ito sa tubig, mamili lamang ng isa sa tatlong oracion. 
Ang tubig na nahipan ng oraciong ito ay kung ipapaligo ay mabisa upang maiwas ka 
sa mga masamang kaisipan, masamang banta, ng masamang pangyayari, mga disgrasya, 
sakuna, at mga kapanganiban. Gawin ito kung pupunta sa isang delikadong lugar.
 
Maaari ring ibulong ito sa langis. 
Isulat ang 3 oracion sa papel at ilagay sa bote at lagyan ng langis
. Kukulo ito pag may panganib. 
Kung ipapahid ang langis na pinagbabaran ng oraciong ito 
ay makakaligtas ka sa kapanganiban.
 
 
Sa Biyernes Santo, sa isang ilang na lugar, ay manalangin.
 Dasalin ang mga oraciong nabanggit ng tig- 33 beses. 
Hingin sa Diyos na bigyan ka ng kapangyarihan ng taguliwas, 
at kung ikaw ay karapat-dapat, ay ipagkakaloob sa iyo ang buong bisa ng kapangyarihan 
sa taguliwas.
 
KALIGTASAN
BANGGITIN BAGO UMALIS 
 
ARAM ACDAM ACSADAM
ALELUYA ALELUYA ALELUYA
REGNIM OMNIPOTENTIS MACMAMITAM ADONAY
-o0o-
PODER SA ATARDAR AT INFINITO DEUS
O INFINITO DEUS MACMAMITAM MAEMPOMAEM LAMURO MILAM, 
AKO PO AY SAMAHAN. O DEUS ATARDAR, 
AKO PO AY TANGLAWAN AT PROTEKSYONAN SA PANGANIB NA ANUMAN, 
SA GABI AT ARAW, SA BAWAT SANDLI NG AKING BUHAY:
 
EDEUS. GEDEUS. DEDEUS.
DEUS. DEUS. DEUS.
EGOSUM. GAVINIT. DEUM
 
CUIVERATIS VERBUM BULHUM 
EGNEVE HORUMOHOL
LAMUROC MILAM 
AMHUMAN SERICAM ESNATAC SUANIMA
 TUCSAM SACRADITAM SANCTISSIMAM 
ROAC OAC MOAC AC 
 
MELACION BALGALAROM INCAMANUM CALARAM PATER UBNIBIS
COABIT ETERNAM PONDETOR MONDE DEUS ETERNAM ET   HUM 
BESTRUM SECRETOM UMALE DEYE PIERSICUAMOR SANCTIS 
AC ACDU ACDUM ACDUDUM
 
SANCTI  EGSAC EGMAC EGOLHUM 
ANIMASOLA ESPAGALA RUENO SAGRA 
 
CAET QUIT BEOM BEOM DEOM DEOM EGOSUM
 CAIT QUIT BEYUM NEYUM EGOSUM.
 
FEISUM EISUM CEISUM FECSUM TRI-ENICIM TRICNISUM 
HURICCIUM FURIM FERICCIUM HUCCIUM
 
HOCMOM AMUMAM HUMRAM GRENTE NENATAC PAMPABANAL 
ACMULATUM AGUECA NUMCIUM MOLATOC LUMAYOS ESNATAC
 ABRICAM GENTIUM NATAUME ANIMASUA SERICAM MATAMUROM LAUSBAL 
TUMATUM SUAM PETRAM NATUM GENTILLORUM
 
MACMAMITAM SALDEDAS LUMPACAS PEREIT AVOBIS CAPACSAC 
COPNUM PANAPTAM SABAB PAAP SARAS MOMOMOM
 
SALVUM PACTUM NOBIS EGOSUM HUM
ATARDAR CASFACTUSI CASTUSI
 
AAX TAAX AZAX RAAX DAAX AAZ RAAZ
 
AGUIEC AHIERA ACTAMTE AMHUMAN 
ACTUAB ANIMASUA ABDUCAM
BERUBAM 
 
AMEN
.
-o0o-
 
 
DIGNUM BAKAL
 
ESPESYAL NA URI NG DIGNUM NA MAAARING IHALO SA LANGIS NA BITBIT BITBIT- 
PANGKALIGTASAN, PAMBAON SA MEDALYONG KAHOY PARA PANANGGALANG,
 O SANGKAP SA MGA ANTING-ANTING NA PANGKABAL 
UPANG LUBOS ANG BISA NG GALING SA KABAL. MARAMING PARAAN NG PAGGAMIT.
 
KUNG MAY TANGAN NITO, ITO ANG ORACIONG PAKAIN SA DIGNUM BAKAL:
 
DIGNUM MAGNUM ICAM MACAM MIHAM HAM GAYIM, O JESU CRISTO SALVADOR 
SAR MUNDI SALVAME SALVAME SALVAME
(Kaligtasan sa lahat ng panganib)
 
Ang dignum na ito ay maasim na lasang bakal, kaya ito tinawag na dignum bakal. 
Mabisa ito sa pagpapadagdag ng bisa ng kabal at proteksyon sa mga panganib, 
at mainam din sa pagpapataas ng depensang pansarili.
 
Susi kung nasa panganib SAUT UGNAT DIGMAT CRISTO REY SALVAME
 
 
 
DIGNUM SOBERANO
 
ESPESYAL NA URI NG DIGNUM NA MAAARING IHALO SA LANGIS NA BITBIT BITBIT- 
PANGKALIGTASAN, PAMBAON SA MEDALYONG KAHOY PARA PANANGGALANG, 
O SANGKAP SA MGA ANTING-ANTING NA TAGULIWAS UPANG LUBOS ANG BISA
 NG GALING SA TAGULIWAS. MARAMING PARAAN NG PAGGAMIT.
 
KUNG MAY TANGAN NITO, ITO ANG ORACIONG PAKAIN SA DIGNUM SOBERANO:
 
DIGNUM MAGNUM ICAM MACAM MIHAM HAM GAYIM, O JESU CRISTO SALVADOR 
SAR MUNDI SALVAME SALVAME SALVAME
(Kaligtasan sa lahat ng panganib)
 
Ang dignum na ito ay parang inanay, kaya ito tinawag din na dignum anay. 
Mabisa ito sabi ng nakasubok ditto bilang pangontra sa baril, at pangkaligtasan.
 
Susi kung nasa panganib SAUT UGNAT DIGMAT CRISTO REY SALVAME
 
 
 
DIGNUM GOMA
 
ESPESYAL NA URI NG DIGNUM NA MAAARING IHALO SA LANGIS 
NA BITBIT BITBIT- PANGKALIGTASAN, PAMBAON SA MEDALYONG KAHOY
 PARA PANANGGALANG, O SANGKAP SA MGA ANTING-ANTING NA PANGKABAL 
UPANG LUBOS ANG BISA NG GALING SA KABAL. MARAMING PARAAN NG PAGGAMIT.
 
KUNG MAY TANGAN NITO, ITO ANG ORACIONG PAKAIN SA DIGNUM GOMA:
 
DIGNUM MAGNUM ICAM MACAM MIHAM HAM GAYIM, 
O JESU CRISTO SALVADOR SAR MUNDI VIVAT SAKPO SAKASAK
SALVAME SALVAME SALVAME
 (Kaligtasan sa lahat ng panganib)
 
Ang dignum na ito ay amoy goma pag sinunog, kaya ito tinawag na dignum goma. 
Mabisa ito sa pagpapadagdag ng bisa ng kabal at proteksyon sa mga panganib,
 at mainam din sa pagpapataas ng depensang pansarili.
 
Susi kung nasa panganib 
 
SAUT UGNAT DIGMAT CRISTO REY SALVAME
 
-o0o-
 
PROSESO NG PAGLILINIS NG SARILI
 (SA PAGLILINIS NG SARILI)
ITO AY MAGAGAWA SA PAMAMAGITAN NITO:
A
Maging taos sa puso ang kagustuhang magbago, hindi dahil sa marapat o kailangan, 
kundi ito ay nais gawin
B
Sa isang tahimik na lugar, maglaan ng panahon upang suriin ang sariling konsensya, at mga nagawang pagkakamali sa sariling buhay
C
Ilista sa isang papel ang mga pagkukulang, ang mga kamaliang nagawa, at ang mga kasalanang nagawa sa buhay.
D
Sa pagkakataong ito, basahing mabuti ang listahang nagawa. Siyasatin sa iyong sarili kung bakit mo nagawa ang mga bagay na iyon.
E
Banggitin mo sa iyong sarili ng 99x ang mga katagang ito:
“MULA SA ORAS NA ITO, NILILINIS KO ANG AKING SARILING KARUMIHAN.
AKO AY MAGBABAGO PATUNGO SA KABUTIHAN.”
F
Sunugin ang listahan. Hayaang padparin ng hangin ang abo nito.
G
Sa bawat araw ay sikapin mong gumawa ng mabuti. Gawin ang bawat paraan upang makagawa ng kabutihan. Bawat kabutihang ginagawa ay may puntos-espiritual na pagdating ng araw ay makakatulong ng malaki sa iyong spiritual na pag-unlad.
H
Magdasal ng taimtim sa Diyos araw-araw.
 Hingin mo ang Kanyang awa, at gabay sa iyong buhay.
Sa tuwing nagtatagumpay ka laban sa kasamaan- sa mga tukso, sa mga enkwentro spiritual, at iba pa, ay mag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos.
Iminumungkahi ko ang pagbabasa ng Salmo ng Biblia sa pagbibigay-papuri sa Diyos.
RITUAL NG PAGLILINIS NG SARILI:
Isinasagawa ito tuwing panahon ng PAGLIIT NG BUWAN.
MGA GAMIT:
Tubig mula sa Bundok Banahaw
Kandilang puti
Bato ara
Insense stick
Sikaping makakuha ng bato ara. Kailangan ito sa ritual ng paglilinis ng sarili.
. Ito ay batong puti na parang murang kristal.
(Ang bato ara ay sumasagisag ng kadalisayan at kalinisan.
Ito rin ang tinatawag na bato ng mga santo na inilalagay sa tabernakulo ng bawat simbahan.)
Maghanda ng isang basong tubig na ang tubig ay nagmula sa Bundok Banahaw
(yung mga mineral water na bottled na ang tatak ay Hidden springs, Nestle, etc. Basahin kung mula sa Mt. Banahaw yung tubig, o sa San Pablo, Laguna ito ibinote)
Maghanda rin ng isang puting kandila.
Maghanda din ng insenso
Maligo muna ng mabuti at magdamit ng puti, green, o orange na damit.
Ayusin ang mga gamit sa ritual. Ipatong sa malinis na mesa ang mga ito.
Ganito ang posisyon ng mga gamit sa mesa:
X
Bato ara
(simbulo ng lupa)
x                                                          x
insense stick                                     puting kandila
(simbulo ng hangin)                                   (simbulo ng apoy)
X
Baso na may tubig mula Mt. Banahaw
(tubig)
Bago sindihan ang insenso at kandila ay mag usal ng oraciong ito 7x:
SANCTUS DEUS
SANCTUS FORTIS
SANCTUS IMMORTALIS
MISERERE NOBIS
At saka sindihan ang insenso muna, tapos ang kandila ang sindihan.
UMUSAL NG MAIKLING PANALANGIN:
DIYOS AT PANGINOON, PATAWAD PO SA LAHAT NG AKING MGA KASALANAN, MGA KAMALIAN, AT MGA PAGKUKULANG.
KAAWAAN MO PO KAMI.
ITO NAMAN ANG ORACION NG PAGLILINIS NG SARILI:
(ANIMA CHRISTI- ANG KALULUWA NI CRISTO)
O PANGINOONG HESUKRISTO, IKINALULUNGKOT KO ANG AKING MGA PAGKUKULANG, ANG AKING MGA KAMALIAN, AT ANG AKING MGA KASALANAN.
SISIKAPIN KO PO, SA TULONG PO NINYO, NA MAGBAGO TUNGO SA KABUTIHAN. NANANALIG AKO SA IYO AT INIIBIG KITA BILANG PANGINOON KO.
ANIMA CHRISTI, SANCTISSIMA.
SANCTIFICAME CORPUS CHRISTI.
SACRATISSIMUM SALVAME.
SANGGUIS CHRISTI, PRETIOSSISIME INEBRA ME.
AQUA LATERIS CHRISTI, PURISSIMA MUNDA ME.
SUDOR VULTUS CHRISTI VIRTUOSISSIME SANA ME.
PASSIO CHRISTI PIISIMA COMFORTA ME.
O BONE JESUS, CUSTODE ME.
INTRA VULNERA TUA AB SCONDE ME.
NON PERMITTAS ME SEPARARE A TE.
AB HOSTE MALIGNO DEFENDA ME.
IN HORA MORTIS--VOCA ME,--JUBE ME,--VENIRE AD TE,--
ET PONE ME JUXTATE UT CUM ANGELIS ET ARCHANGELIS TUIS
LAUDEM TE PER INFINITA SAECULA SAECULORUM.
AMEN
ANIMA DOMINUS DEUS SABAOTH CHRISTE
JESUS JESUS JESUS CORPUS CHRISTE
ATUM—PECATUM---EGOSUM---JESUSALEM---BARSEDIT
LAVAVE ME  SALVAME
(7X)
hingin sa Diyos na ikaw ay linisin at baguhin, sa pamamagitan ng oraciong ito:
ASPERGES ME, DOMINO, HYSOPPO, ET MUNDABOR.
LAVAVIS ME, ET SUPER NIVEM DEALBABOR
(7X)
usalin ang oraciong ito ng 3 beses, at ihihip sa tubig ng pa-krus:
JOC HIC SANGGUINIS
JAC HOC SARMOSOM
MYSTERIUM FIDEI
PROMULTIS EFFUNDETOR
IN REMISSIONEM PECCATORUM
JESUS HOC SALVATOR
Saka inumin ang tubig.
Hayaan ang insenso at kandila na maubos.
PAUNAWA:
Ang dasal na Anima Christi ay maaaring dasalin ng 7 beses sa isang araw upang luminis ang iyong sarili. Maaaring dasalin ito sa isipan.
-o0o-
PAUMUWESTO SA SANTA LUCIA COMPLEX,
 DOLORES, QUEZON
PRESINTAHAN
(KUWEBA NI SAN PEDRO AT NI SAN PABLO)
Ang mga miyembro ay magtutulos ng tig-iisang kandila sa labasan ng kuweba.
Ang mga miyembro ay mag-ooracion ng ganito sa isip (7 beses):
QUIA APUD TE PROPITIATO EST; ET PROPTER LEGEM TUAM SUSTINUE TE, DOMINE.
Matapos nito ay ang lahat ng kasapi ng samahan ay mananalangin sa Diyos, patungkol kay San Pedro:
DEUS, QUI BEATO PETRO APOSTOLO TUO, COLLATIS CLAVIBUS REGNI COELESTIS, LIGANDI AT QUE SOLVENDI PONIFICIUM TRADIDISTI: CONCEDE; UT, INTERCESSIONIS EJUS AUXILIO, A PECCATORUM NOSWTRORUM NEXIBUS LIBEREMUR: QUI VIVIS ET REGNAS IN SAECULA SAECULORUM. AMEN
Isunod ang panalangin sa Diyos ukol kay San Pablo:
DEUS QUI MULTITUDINEM GENTIUM BEATI PAULI APOSTOLI PRAEDICATIONE DOCUISTI: DA NOBIS, QUAESUMUS: UT CUJUS COMMEMORATIONEM COLIMUS, EJUS APUD TE PATROCINIA SENIAMUS. PER DOMINUM NOSTRUM JESUCRISTUM. AMEN
Ang bagong kasapi ay mananalangin ng ganito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Nagpaparehisto po ako sa lugar na ito sa spiritual na pamamaraan. Matanggap ninyo sana ako bilang kasapi.
Matapos ng panalangin, ang kasapi ay magtutulos ng kandila sa may kuweba.
 Magdasal nito pagkatulos ng kandila-
ASPERGES ME, DOMINO, HYSSOPO, ET MUNDABOR. LAVAVIS, ME, ET SUPER NIVEM DEALBABOR.
KUWEBA AT BALON NI SAN JACOB
Paunawa: bawal ang mga may mga galis at mga may regal na pumasok sa kuwebang ito.
Lahat ng kasapi ng samahan ay magtulos ng kandila sa labas ng kuweba.
Ang bagong kasapi ay mananalangin ng ganito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Matapos nito, ang mga kasapi ay magdadasal ng Anima Christi na walang bilang.
Ang pator ang mauunang papasok sa kuweba ng Santo Jacob, upang gabayan ang papasok. Patuloy na mananalangin ng Anima Christi. Yung mga kasapi na may hypertension, sakit sa puso, may claustrophobia (takot sa saradong lugar) ay huwag nang bumaba ng kuwebang ito.
Pag-abot sa altar sa baba ay magtulos ng kandila. Mag-alay ng sariling panalangin. Tapos ay bumaba na sa balon ni San Jacob. Lumublob ng 7 beses. Sa ika-7 paglubog ay lumunon sa ilalim ng kaunting tubig.
Ang amoy kanal na tubig na ito ay puno ng sulfur, kaya ganoon ang amoy ng tubig dito. Ang tubig ng San Jacob ay mainam pangbaklas ng masasamang puwersa na nakaakibat sa iyong pagkatao.
Matapos isagawa ang paglubog ng 7 beses sa balon ay umahon na. Manalangin uli sa altar katabi ng balon, at umahon na. Magdasal pa rin ng Anima Christi ng walang bilang habang umaahon palabas ng balon.
Paglabas na ng lahat mga kasapi ng samahan ay mag-alay ng mga pansariling mga panalangin ng pasasalamat sa Diyos.
Ang susunod na pupuntahan ay Sta. Lucia Falls.
SANTA LUCIA FALLS:
Papunta sa Sta. Lucia Falls, iwasan na matukso sa pagbili-bili ng kung anu-ano sa tindahan sa mga tabi. Kailangang tapusin ang buong ritual ng samahan para sa antas 1 bago gawin ang mga pansariling mga Gawain tulad ng pamimili, etc.
magdala ng lighter, at maraming puting kandila bago bumaba dito.
Bago bumaba ng hagdan na may 200+ steps, ay manalangin ng
ANIMA CHRISTI.
Pagbaba ng kaunti sa may hagdan, ay may altar doon. Magtulos ng kandila at ito ang banggitin na oracion:
ADJUTORUM NOSTRUM IN DOMINI, QUI FECIT COELUM ET TERRAM. (3X)
Magdasal ng sariling panalangin sa altar na ito. Matapos ay magpatuloy sa pananaog sa hagdan habang nagdadasal ng ANIMA CHRISTI ng walang bilang.
Sa may baba ng hagdan ay may altar uli doon.
Magtulos ng kandila at manalangin ng ganito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
ILOG JORDAN:
(sa pagbibinyag)
Dito isasagawa ang pagbibinyag ng bagong kasapi ng samahan.
Ang paraan ng pagbibinyag ay ganito.
Ganito ang proseso:
Sasabihin ng magbibinyag:
Ikaw ay binibinyagan ko, sa Banal na Pangalan ng Diyos Ama, at sa Banal na Pangalan ni Jesukristo, at ng Banal na Pangalan ng Espiritu Santo, saksi ang mga banal na espiritu, at sa mga nagkakatipon sa kaluwalhatian ng Diyos.
Sasabihin ng binibinyagan:
TINATANGGAP KO PO ANG BINYAG NG BUONG PUSO AT NG BUONG PAGKATAO.
Matapos nito ay ilulubog ang binibinyagan sa Ilog Jordan. Ang nilulubog ay pinapayuhang uminom ng isang lagok ng tubig mula sa ilog habang nilulubog.
Pag-ahon sa tubig ay manalangin sa Diyos ng taimtim at magpasalamat.
ANG TALON NG INFINITO DIYOS
(Talon ng Ama)
paggawad ng basbas mula sa Infinito
bago maligo sa talong ito, ay banggitin ito sa sarili:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Saka maligo habang nagdadasal ng pansariling panalangin.
ANG TALON NG INFINITA
(Talon ng Buhok ng Birhen)
paggawad ng basbas mula sa Infinita
bago maligo sa talong ito, ay banggitin ito sa sarili:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Saka maligo habang nagdadasal ng pansariling panalangin.
 7 KANUNUNUNUAN
Upang pagtibayin ang basbas na natanggap
Magtulos ang bawat kasapi ng samahan sa lugar na ito.
Bubuksan ng pinaka-senior ng samahan ang power spot na ito:
+
Magdasal nito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Tapos ay mananalangin ang lahat sa sarili ng Oraciong ito (huwag ibubuka ang bibig):
YAH-AHA-HAH. AHA-HAH-AHA. HAH-AHA-HAH.
CERUP CRUP MECRUP COPSIT TOTH HERMES MERCURIUM MERCURIAM MICOL GIGOS PILIPOS GUAP INTA ROCOB BAIO LEPAUS NAP-RAP
 PINTAC BATRO BARATRAC JOCSISIT HABUNOS MANISNIS
DEUS YHUC YRUC YRURUCAM
AC. ACDU. ACDUM. ACDUDUM. AEOUA
-(7X)-
Lumubog sa tubig ng pitong beses. Sa ika-7 beses na paglubog ay uminom ng isang lagok ng tubig.
Ang oracion na nasa itaas ay mainam na pangkaligtasan at kabal, kung pananampalatayaan.
Magpasalamat sa Diyos, at tumungo sa puwesto ng Jerusalem.
SA JERUSALEM
Ang pagpasok sa Banal na lugar na malinis na ang buong pagkatao, at pangkaligtasan
Pumunta sa templo ng Jerusalem. Magsindi ng putting kandila at manalangin ng ganito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Kami po ay iyong pagkalooban ng proteksyon na nagmumula sa Inyo. Maraming salamat o Diyos at Panginoon sa lahat!
(Oracion na binibigkas lamang sa isip)
JAH SELAH
JAH MAGEN
ELOI MAH
JESUS HOC SALVATOR
SALVAME
(3X)
Saka dasalin ang mga panalanging ito:
LIBERANOS, QUAESUMUS, DOMINE,
AB OMNIBUS MALIS, PRAETERITIS, PRAESENTIBUS, ET FUTURIS.
ET INTERCEDENTE BEATA ET GLORIOSA SEMPER VIRGINE,
DEI GENITRICE MARIA,
CUM BEATIS APOSTOLIS TUIS PETRO ET PAULO, AT QUE ANDREA, ET OMNIBUS SANCTIS, DA PROPITIUS PACEM IN DIEBUS NOSTRIS:
UT OPE MISERICORDIAE TUAE ADJUTI,
ET A PECCATO SIMUS SEMPER LIBERI,
ET AB OMNI PERTUBATIONE SECURI.
PER EUMDEM DOMINUM NOSTRUM JESUM CHRISTUM FILIUM TUUM. QUI TECUM VIVIT ET REGNAT IN UNITATE SPIRITUS SANCTI DEUS,
PER OMNIQA SAECULA SAECULORUM.
AMEN
Isunod ang oraciong ito
CORPUS DOMINI NOSTRI JESU CHRISTI CUSTODIAT ANIMAM MEAM IN VITAM ETERNAM. AMEN
(3X)
Matapos gawin ang ritual na ito ay pumunta sa Pinagkaisahan.
PINAGKAISAHAN
Upang tawagin ang Banal na Espiritu,
Paggawad ng Poder,
At Bakod- espiritual
Ang mga kasapi ay magsisindi ng isang puting kandila, at mananalangin ng ganito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
KUNG INYO PONG MAMARAPATIN AY KASIHAN KAMI NG IYONG BANAL NA ESPIRITU UPANG MAISAKATUPARAN PO NAMIN ANG MGA LAYUNIN NG KAPATIRAN.
(isunod ang pangbati sa 3 Personas)
SANCTUS DEUS,
SANCTUS FORTIS,
SANCTUS IMMORTALIS,
MISERERE NOBIS
(3x)
Isusunod ang panalangin sa Espiritu Santo:
CAIT CAIT, DEUM DEUM, EGOSUM
SISAC, MANISI PISAC, LISAC MAGNISI PISAC.
JIA-HUA-HOW-HAUM
SPIRITUM SANCTUM MITAM,
BENEDICTUM EGOSUM,
SPIRITUM GRATIAM SANCTUM MEI MEAM
DEUS MEORUAM DEUS MORUM
MECUM-VENITE EGOSUM
FORTITILLO SUSPENDIDO
EGOLIS EGOLIS EGOLIS
NIVIT PACEM ADORABIT
DEUM PATREM BONUM RIGSIT
EGOSUM GAVINIT DEUM
SPIRITUM SANCTUM MITAM,
BENEDICTUM EGOSUM MICAM,
VIRGUM GRATIAM SANCTUM MEORUAM,
MECUM-VENITE EGOSUM MATAM AVE MARIA,
AVE MARIA, MECUMVENITE EGOSUM MACAM
QUIP QUAP QUIAP SICUT DEUS
ANIMASOLA
AJUB-MULAC
AC-AACZ-AWACZ-AAC-JACZ
(7X)
Matapos isagawa ito, ay isunod ang Panawag sa Espiritu Santo
VENI, SANCTE SPIRITUS,
JIA-HUA-HOW-HAUM
REPLE TUORUM CORDA FIDELIUM,
ET TUI AMORIS IN EIS IGNEM ACCENDE.
VENI SANCTE SPIRITUS,
ET EMITTE COELITUS LUCIS TUAE RADIUM.
VENI PATER PAUPERUM, VENI DATOR MUNERUM,
VENI LUMEN CORDIUM.
CONSOLATOR OPTIME, DULCIS HOSPES ANIMAE,
DULCE REFRIGERIUM.
IN LABORE REQUIES, IN AESTU TEMPERIES, IN FLETA SOLATIUM.
REPLE CORDIS INTIMA TUORUM FIDELIUM.
SINE TUO NUMINE, NIHIL EST IN HOMINE,
NIHIL EST INNOXIUM.
LAVA QUOD EST SORDIDUM, RIGA QUOD EST ARIDUM,
SANA QUOD EST SAUCIUM.
FLECTE QUOD EST RIGIDUM, FOVE QUOD EST FRIGIDUM,
REGE QUOD EST DEVIUM.
DA TUIS FIDELIBUS, INTE CONFIDENTIBUS, SACRUM SEPTENARUM.
DA VIRTUTIS MERITUM, DA SALUTIS EXITUM, DA PERENNE GAUDIUM. AMEN. ALLELUYA.
(7X)
isusunod ang pormal na pagkakaloob ng Poder:
. Ang bagong kasapi ay luluhod. Papatungan ng kamay sa ulo ng bagong kasapi- at tatanggapin ang basbas.
Ang bagong kasapi, matapos ang basbas ay mananalangin sa Poder:
(ito ang dasal sa Poder, na dadasalin lamang kung matapos na ang mga naunang proseso at ritual na nabanggit)
PAUNAWA: ANG PODER NA ITO AY INGATAN.
 DINADASAL LAMANG SA ISIP:
ITO ANG PODER NG CRIE ELEISON:
AOC. EUM. OM. UAUM. AUC. TIRAC. TIRIM. SITIMITIS. TISIMISIT. MISIMISIM. PER OMNIA SANCTISSIMA NOMINA:
EL. ELI. ELEIM. ELONO. ELEREYE. MANUEL. SABAOTH. SOTER. TETRAGRAMMATON. AGLA. AGIUS. OTHEUS. ISCHIROS. ATHANATOS. ELEYSON. IGMAS. JEHOVA. YCO. ADONAY. SADAY. OMONCION. ALPHA ET OMEGA. SET TIVI. PROPICIOUS. CLEMENIS. ET SALUS. ET LIBRE TE.
NOR. NOS. NOD. EIOUA:
GALGAPNANIGAL
GANLAPNANIGAN
GALPANGANIGAN
GANPANNALIGAN
AUC. GOMAC. AUC. SGOMA. AUC.
VIJEYJEYJEPMA.
AEUIA. AEOUI. OUIEA.
(dadasalin sa sarili ng 7 beses sa Pinagkaisahan)
Matapos isagawa ito, ay dadasalin na ang Dasal sa Pagbabakod:
PAX TIBI DOMINI.
DEUS MORyUM
DEUS MORyAM
DEUS MOwCAM
DEUS MEyORUwAM
MACMAMITAM
MAEMPOMAEM
(3X)
(SA 24 ANCIANOS NG INFINITA)
NUANA VIJEYJEYJEPMA,
 ITULOT MO PO ANG INYONG 24 ANCIANOS
AY BUMAKOD SA AKIN AT DUMEPENSA:
HAuVET
ANyORETwERCyUM
HAECyJAM
GuESTABATOLNIySE
NONEDEMwITE
PLAwUSUsCINTyER
ASPyIANDETIVfO
ARyASUoPILLA
NOwBESUoBDENSwA
MONSTRUwMTE
LEyTHALIBURNuOS
ELEyJETIBUoS-CORyUM
AMATVIDwERI
GENSDwURA
NUwDANTUwROSA
ARyUMDUwDATOR
SyUBJESTyUS DESYT
MOwATALITATwIR-DEyDERIT
LUISISyERORBE
TRAyMENDwA-CUyJUS
SUSPwONTE SUBDEySIT
PEyNDEyNTIS-DEI
NOVEyNDEyCIM
GRAhCAhEGO
HOCMITAC. AMINATAC. HIPTAC.
ATUM BEM ATAIR CIEM
UYABIT-GALINAM RESUREXIT UNTAR MULATAS
URGUM MATUM
(24 ANCIANOS NG INFINITO DEUS)
NUANO AUC GOMAC ASGOMAC AUC,
 ITULOT MO PO ANG INYONG 24 ANCIANOS
AY BUMAKOD SA AKIN AT DUMEPENSA:
HOwCMyOM
AMyOMwAM
HyUMRAM
GREyNTE
NEyNATAC
PAMPyANAwBAL
ACMyULATyUM
AGwUEyCA
NyUMCIyUM
MULyATOC
LyUMAiYOS
EySNATwAC
ABReyICAM
GEyNTIUM
NATAwUME
ANIMASwUA
SEyRICuAM
MATAMwORyUM
LAyUSBAL
TyUMATyUM
SyUwAM
PEyTRyUM
NATyUM
GENTyILLORyUM
Matapos nito ay mananalangin ng Pasasalamat:
SALAMAT PO O DIYOS, SALAMAT!
AD MAJOREM DEI GLORIAM
(3X)
susunod na pupuntahan:
SAN BENITO
Dito gagawin ang pagsasara ng panalangin
SAN BENITO
Magsisindi ang mga kasapi ng tig-iisang puting kandila.
Magdasal ng ganito:
O MAHABAGING DIYOS AMA, SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK NA SI HESUKRISTO AY NATUBOS ANG MGA TAO SA PAGKAKASALA. TINATANGGAP KA NAMIN SA AMING MGA BUHAY, SA AMING MGA ISIPAN, AMING MGA PUSO AT DIWA. HUWAG MO KAMING PABABAYAAN. IPAGSANGGALANG NYO PO KAMI SA LAHAT NG KAPANGANIBAN, SA LAHAT NG MASASAMANG TANGKA, SA LAHAT NG MGA MASASAMANG ESPIRITU, AT SA LAHAT NG HIBO AT TUKSO.
NAWA’Y GABAYAN PO NINYO ANG AMING KAPATIRAN TUNGO SA KABUTIHAN, SA KAUNLARAN, KADALISAYAN, AT MATUPAD PO ANG MGA LAYUNIN NG SAMAHAN SA TULONG PO NINYO.
Lahat ay magdadasal ng Oracion ni San Benito:
JESUCRISTO MIHI REFUGIUM
JESUCRISTO EST QUAM SEMPER ADORO
JESUCRISTO SUAMBIT PECABIT
JESUCRISTO ET SANCTA MARIA SALVAME
JESUCRISTO DOMINE MECUM
CRUZ SANCTI PATER BENEDICTI MIHI SERTASALUS
CRUZ SACRA SIT MIHI LUX, NON DRACO SIT MIHI DUX
EYUS IN OBITU NOSTRO PRAESENTIA MUNIAMUR
VADE RETRO SATANA
NUNQUAM SUADEAS MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS
IPSE VENENA BIBAS
PER JESUM CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM. AMEN
(7X)
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, MISERERE NOBIS
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, MISERERE NOBIS
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, DONA NOBIS PACEM
ACDUDUM
GOVERNATUM
NAZARENUM
UNIBERSUM
SUMICAM
DEIRIT
ERCAM
IGNUM
ADORATUR
CHRISTUM
DOMINUM
UNUBERSUM
DEUM
URGUM
MATUM
AC. ACDU. ACDUM. ACDUDUM.
-o0o-
SA PUWESTO NG INANG CANDELARIA
Magsindi ng puting kandila ang bawat kasapi.
Lahat ng kasapi ay magdadasal nito:
Diyos at Panginoon, lubos akong nananalig sa iyo. Iniibig kita ng buo kong pagkatao. Ako si (sabihin ang ngalan) na nakatira sa (sabihin ang address),
Kami po nawa ay mapasama sa mga nagkakatipon sa
KALUWALHATIAN NG DIYOS
isunod ang :
ANIMA SANCTA ANIMASOLA
ANIMA SANCTA LUMAYOS
ANIMA SANCTA BROSABAT
ANIMA SANCTA BROSABATOR
ANIMA SANCTA BRO ADONAY
(7X)
-o0o-
PAG DINASAL ITO AY MAY LIWANAG NA TANGLAW NA BABABA SA IYO:
 
 
DEUS
ESPIRITU
SANCTO
EXCELSUS
MEORUAM
POTENS
INSUPERATOS
TETRAGRAMMATON
EPFICAX
ROSOR
NOMEN
VERBUM
SANCTIFICATOR
 
 
 
JEHOVA
LOCULENTUS
IMPERINTAS
PRODIGIOSUS
OMNIPOTENS
MUNDI
POTENS
SALSI
POTENS
 
 
ADONAY
ARCHUS
AGERATUS
ATHANATUS
ABBA
ANIMATOR
ABDIAS
ANIMAEQUIOR
ALTIPOTENS
 
KYRIE ELEISON 
3X
 
 
IESUS
VERBIGENA
EMMANUEL
ALPHAS
MESSIAS
RABBI
SALVATOR
AGNUS
DEI
 
 
ADORATUR
CHRISTUM
DOMINUM
UNUBERSUM
DEUM
URGUM
MATUM
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, MISERERE NOBIS
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, MISERERE NOBIS
AGNUS DEI QUI TOLLIS PECCATA MUNDI, DONA NOBIS PACEM
-o0o-
akin ko pong pinasasalamatan ang mga turo po ni Maestro Melencio T. Sabino, ang pundador ng AGNUS DEI ASSOCIATION, sa kanyang mga turo at mga aral, na nagging isa sa mga gabay ng aking pag-eespiritual.
May dalawa pong aklat na inikda si Melencio T. Sabino na maganda pong basahin ng mga nag-aaral sa spiritual:
KARUNUNGAN NG DIYOS
AKLAT SECRETO MMM
Na sana po ay inyo rin pong mabasa.
-o0o-
TUNGKOL SA DIGNUM
noong unang panahon pa, may kahoy na natatgpuan po sa parte ng Bundok
Banahaw, sa Dolores, Quezon na kung tawagin ay dignum.

Ang dignum, ayon po sa mga impormasyon ko pong nakalap, ay
kinikilalang puno mula sa paraiso. Kilala rin po ang dignum bilang
kahoy na pinagpakuan ni kristo.

Sa kasalukuyan, ang dignum po ay kahoy na ginagamit po bilang
anting-anting ng napakaraming mga tao na umakyat na sa bundok banahaw,
o namuesto po doon.

sa ilang taon ko na po sa pag-ahon sa Banahaw, napag-alaman ko po na
marami pong mga uri ng dignum:

1. dignum primera klase-- mga sinaunang dignum
2. dignum segunda klase- ginagamit na commercial kadalasan
3. dignum anay
4. dignum soberano
5. dignum crusis
6. dignum goma
7. dignum bakal
8. dignum kalawang
9. dignum bato
10. dignum matamis
11. dignum dugo
12. dignum duguan
13. dignum galilea
14. dignum dagat
15. dignum buhay

marami raw po ang makakapagpatunay ng bisa ng dignum.
ito rin daw po ang tinatawag na "lignum vitae"
na siyang kahoy na krus na suot ng mga sinaunang pare.

may aklat daw po na tinatawag na aklat ng dignum. ang kalikasan po
mismo ang nagtuturo ng mga impormasyon ukol sa mga kahoy na ito.

Batikan po ang karamihan ng mga mag-uukit sa Banahaw tungkol sa
dignum. Sa kanila pong kaalaman ang mga uri ng dignum, at mga
natatanging bisa ng bawat isa.
-o-
gumamela celis
sinasabi ng mga taga-bundok Banahaw na ang gumamela celis ay mabisang
anting-anting upang magkaroon ng maraming mamimili sa iyong tindahan
at sa pagpapaganda ng kabuhayan. ito ay mula sa bunga ng isang kahoy
na kapag natuyo ay nagiging korteng bulaklak na bilog na may 5 petal
sa loob.

Marami daw ang makakapagpatunay ng bisa ng gumamela celis.

Napagkaalaman ko din dati na ginagamit din ang gumamela celis sa mga
bagay hinggil sa pag-aalis ng mga masasamang-banta at pagpapalubag-
loob.
Me pagkahawig itong gumamela celis na buto duon sa rudraksha beads na ginagamit na pang mantra ng mga alagad ni Shiva. Duon sa mga wala pang prayer beads na ginagamit na pang mantra, mukhang magandang substitute ito.
Ayon sa Testamento Verdadero o Saup Predo, at Karunungan ng.Diyos, ang gumamela celis ay kumakatawan sa Animasolang Birhen
-o- 

source: http://davemalinao.blogspot.com/2015/01/aklat-ng-sanctus-deus-fortis-immortalis.html

7 comments:

  1. Maestro marami po akong napulot na aral sa spriretual dahil sa mga naibahangi ninyo sa yutube. gusto q mag aral para pangdepensa sa sarili at makatulong sa iba

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Thanks a lot for sharing some important ideas from your knowledge especially the various names of dignum

    ReplyDelete
  4. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com




















    Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete
  5. Pwede ba tanggalin visa nito,kase parang ang daming espiritu sa paligid ko..iba ung natutuhan ko sa papa ko,ang Latin kase yang yung katuparan wika ng halimaw mula sa hula ng biblia,,24yrs old lang ako eto name ko sa Facebook robert Langdon..

    ReplyDelete
  6. meron po poder ng lahat ng mga poder?

    ReplyDelete
  7. Salamat maestro sa mga aral mo na natuntunang ko po 🙏🙏🙏

    ReplyDelete